Di Ba Pwedeng Laging Masaya?
Bakit sa konting saya
Luha ang itataya
Bakit sa bawat ngiti
Kapalit agad ay pighati
Di ba pwedeng sa bukang liwayway
Walang magpapaalam na kaway?
Di ba pwedeng sa bawat grasyang makamtan
Walang sakripisyong puhunan?
Ang buhay daw ay parang gulong
Bakit ang aki’y wari’y di na sumulong?
Isa lang naman ang nais ko
Magtamo ng ligayang totoo
Hindi naman ako masamang tao
Di rin nagbibisyo
Maprisipyong totoo
Makalinga’t makatao
Wala ba akong karapatang makamit
Minimithing dalangin, huwag naman ipagkait……